Friday, October 9, 2009

"MGA KAKULANGAN SA BARANGAY"

--- Napakaraming suliranin ng ating bansa... Isa na rito ay ang mga 'Kakulangan ng ating Pamahalaan sa mga Barangay ng isang Bayan' ...
Ang BLOG na ito ay naglalaman ng ilang bagay tungkol sa mga 'Kakulangan ng isang Barangay'... Ang mga nilalaman nito ay base lamang sa aming sariling eksplanasyon bilang isang mag-aaral .. --- Atin pong basahin at intindihin ang nais iparating ng BLOG na ito..







:: MGA SANGAY NG PAKSA ::

--- Ang mga susunod na nilalaman ay mga 'KAKULANGAN NG ISANG BARANGAY' ayon sa OPINYON at EKSPLANASYON ng bawat miyembro ..



  • KAKULANGAN NG SUPORTA GALING SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN AT NASYONAL ..
  • KAKULANGAN SA PONDO AT BUDGET ..
  • KAKULANGAN SA KAGAMITANG PANGKALAMIDAD ..
  • KAKULANGAN SA KAGAMITAN LABAN SA KRIMEN ..
  • KAKULANGAN SA KAGAMITANG PARA SA KAGAMITAN ..
  • KAKULANGAN SA TAMANG PAMAMAHALA NG BASURA ..








"KAKULANGAN NG BARANGAY SA SUPORTA GALING PAMAHALAANG PANLALAWIGAN AT NASYONAL"

---- ayon kay "Vienna Serafin"


Ito ang pangunahing dahilan ng lahat ng 'Kakulangan sa Barangay' ...
Dahil malaki ang bahagi nito sa mga proyekto ng isang Barangay, dito nanggagaling ang pondo na ginagamit para sa isang Barangay.

Hindi sapat ang binibigay nilang suporta sa isang Barangay kung kaya't napakaraming kakulangan dito tulad na lang ng mga susunod niyong mababasa ...


"KAKULANGAN NG BARANGAY NG KAGAMITAN LABAN SA KRIMEN"

---- ayon kay "DANIEL SAN DIEGO"..



Isa rin sa kakulangan ng Barangay ay mga kagamitan laban sa krimen, dahil dito ay madalas na may nangyayaring krimen kahit na sa iang liblib na lugar.. Madaming masasamang pangyayari sa isang lugar, madami ng masamang tao ngayon sa mundo, kahit pa sa mga liblib na lugar, napakadaming krimen ang nagaganap kaya kailangang ang bawat Barangay ay may sapat na kagamitan para panlabanan ito.

"KAKULANGAN NG BARANGAY SA KAGAMITANG PANGKABATAAN"

---- ayon kay "RICHARD VIERNES" ..



Sa isang Barangay, isa sa kakulangan ay proyekto para sa Kabatan kailangang pinagtutuunan din ng pansin ang mga Kabataan. Kailangang mabigyang pansin ang mga kagamitan na para sa Kabataan, napakahalaga ng bagay na ito.. Dahil kung minsan, ito ay hindi nabibigyang pansin kung kaya't ang mga Kabataan ay nalululong sa masamang bisyo lalo na kung wala silang ibang magawa, kaya kailangan sa isang Barangay ang mga proyekto para sa Kabataan kaya nga mayroong itinatalagang SK Chairman.. Kailangan niyang maging isang mabuting ehemplo at mabuting pinuno para sa mga Kabataan. Sa isang Barangay, kailangan ay mayroong Basketball Court at iba pang kagamitan para sa Kabataan para hindi nila maisip na gumawa ng masama..


"KAKULANGAN NG BARANGAY SA KAGAMITANG PANGKALAMIDAD"

---- ayon kay "MICHAEL ANGELO BARRERA" ..


Isa rin sa sa mga kakulangan ng isang Barangay ay ang mga kagamitang Pangkalamidad, alam natin na kailangang-kailangan ito lalo na kapag bumabagyo, landslide, at iba pang kalamidad.. Kulang na kulang ang ating mga Barangay sa kagamitan upang matulungan ang mga tao na nasalanta ng kalamidad. Kaya maraming tao ang namamatay sa panahon ng unos ay dahil sa kakulangang ito, maraming tao ang nasasaktan bago pa dumating ang tulong. Kulang na kulang din ang mga paglilikasan ng mga tao sakaling dumating ang kalamidad at kulang din ang mga pagkain para sa mga nasalanta ng kalamidad.






Thursday, October 8, 2009

"KAKULANGAN NG BARANGAY SA PONDO AT BUDGET"

----- ayon kay "Leynard Crisostomo"


Ang kakulangan ng pondo ng isang Barangay ay napakahalaga..
Ang pondo ng isang Barangay ang ginagamit para sa mga proyekto na gagawin sa isang Barangay, ngunit dahil kulang ang pondo na inilalaan ng Pamahalaan, madalas na hindi sapat ang mga proyekto na nagagawa sa isang Barangay.At dahil sa kakulangan sa pondo, madalas ay hindi nagagawa ang mga bagay na dapat ay mayroon sa isang Barangay...

"KAKULANGAN NG BARANGAY SA TAMANG PAMAMAHALA NG BASURA"

----- ayon kay "Michael Mercado" ..


" Marami sa mga namamahala sa ating Barangay ang nagkukulang sa pamamahala ng ating basura ng kanilang nasasakupan, tulad na lang ng mga trak na itinalaga nila upang mangolekta ng basura ng isang Barangay. Minsan hindi nila inaayos ang pangongolekta ng basura kaya ang mga mamamayan ng isang Barangay ay naiisip na lang na ibenta ang mga ito sa mga nagbabakal-bote o kaya naman ay itapon na lang sa kung saan-saan ang mga basura tulad ng pagtatapon sa mga ilog na nagdudulot naman ng mga sakuna sa isang lugar katulad ng flash flood. Dahil sa maling pamamahala ng basura, marami itong naidudulot na hind maganda sa isang lugar.